Monday, August 3, 2009

Panaginip o Bangungot?

Madalas ka bang managinip gaya ko? Matino ba ang napapanaginipan mo? Ako? Parang hindi. Hindi ko kasi maintindihan eh. Natatakot tuloy ako.

Walang araw sa loob ng isang linggo na hindi ako nananaginip tungkol sa ngipin ko. Tama. Sa ngipin ko. Laging may nangyayari sa ngipin ko. Kung hindi nangangalay, nabubungi. Natatakot ako kasi baka sa paggising ko mawala na talaga ng tuluyan ang iniingat-ingatan kong ngipin. Minsan sa panaginip ko, hinahabol ko ang dentista, pero di ko maabutan. Minsan, darating na mga friends at classmate ko tapos bigla na lang mawawala ang ngipin ko sa unahan. Minsan, ngingiti ako, wala na pala ako ngipin. Nakakabaliw na mag-isip kung bakit ako nananaginip about sa ipin, hindi ko naman yun iniisip bago ako matulog, pero yun ang lumalabas sa panaginip ko.

Sabi nila, pagnanaginip ka daw tungkol sa ngipin, may mamamatay daw, kaya dapat kumagat ka sa matigas pagkagising mo para maiwasan ang pagpanaw ng kakilala mo. Yun ang ginagawa ko, nakakasawa na nga eh kaya tinigil ko na. Fortunately, wala naman namamatay samen. Hindi ako masyadong naniniwala sa mga old beliefs pero, wala naman masama diba?

I can't imagine myself without a teeth. It is a very important thing about me. Since, I was a child my mom is very strict concerning our teeth. She keep on reminding us about brushing our teeth three times a day or more.

Can you interpret my dream? Help!

No comments:

Post a Comment