Tuesday, September 8, 2009

Rain rain go away!!!

Rainy season? Ang lamig. Sarap kumain. Masarap matulog. Gusto ko sana to, kaso...

Pag-umuulan, tiyak na ubos ang pera ko kakabili ng pagkain. Mahaba-haba din ang tulog ko dahil malamig ang panahon. Hindi na kailangan pa ng aircon o electric fan. For me, malungkot ang tag-ulan. Ewan ko ba. Parang malungkot kasi parang tahimik at patak lang ng ulan ang naririnig. Ayos lang din naman, basta wag lang magbrownout. Lahat kasi ng pinaglilibangan ko nangangailangan ng kuryente.

Naiinis ako kapag umaalis ako ng bahay at umuulan. Ayos lang saken ang mabasa, wag lang ang paa ko. Nadidiri kasi ako. Ingat na ingat ako maglakad upang hindi maputikan o matalabsikan ng tubig. Hindi rin ako madalahin ng payong, kaya hassle saken ang magbitbit ng basang payong lalo ng kung nagcocommute ako.

Malakas ang ulan ngayon sa labas. Mag-isa lang ako. Malungkot. Maginaw. May kuryente. Higit sa lahat hindi basa ang paa ko....nasa loob kasi ako ng bahay.

Wednesday, September 2, 2009

Deadlines? Grrrrrrrrrrrr!

Eto na naman po ang nag-iisang si Kirstie, nagbabalik mula sa kanyang matagal-tagal na pagtulog isama mo pa ang walang katapusan nyang pananaginip sa ngipin nya.

Ano na ba ang bago dito? Wala naman ata. Nahuli na ba ako sa balita? Sana hindi.

Ang dami ko ng mga proyektong dapat nang simulan. Kapag gagawin ko na di ko naman alam kung paano. Gusto yata ng utak ko yung nirurush sya eh. Third year na ako, dami na mga gawain na di ko mawari kung kailangan ba talaga sa buhay ng tao. Araw-araw na akong puyat dahil sa mga ito. Midterm Examination Week namin ngayon, inaasahang pagkatapos nito, ang walang katapusang deadlines na gumuguhit na sa utak ko. Maswerte na din ako dahil kagrupo ko ang mga kaibigan ko. Tulungan ang sikreto ng tropa. (Mimayz, we can do it!)

Mahirap ang buhay ng tao, madali na pala ngayon, sa tulong ng mga teknolohiyang nagpapadali ng trabaho natin. Mahirap nga lang i-appreciate. Malampasan ko lang tong mga trabahong ito sa semester na ito, panigurado... may bagong gawain na naman. Katamad!!! *grrrrr*